Tuesday, June 5, 2012

Maaaring Hindi Pero Totoo

Maaaring Hindi Pero Totoo Hindi ko maintindihan ang tunay na nararamdaman Sa tuwing kausap ka ako’y masalimuot sa katahimikan Kasama ka nga ngunit animo wala sa katinuan Nagbabadya ang aking labi na sabihin ang nararamdaman Ano nga ba itong nadarama ko-sa tuwing ngiti mo ay mapapansin ko

Heto ako kasama ka,namumula aking puso sa kaba Mga mata na syang nagpapaliwanag sa nadarama Nandito ka-kasama ko ngunit anong aking kaba Nagtatanong ang isip ko san ba lahat nagsimula ito isang tanong ngunit di ko masabi ang kasagutan ko

Mahal kita ngunit parang hindi mo nakikita Gusto kita pero parang di mo nadarama Na ang aking pagsinta sayo giliw iniaalay pa Ngunit sa tuwing kausap na-urong sulong aking labi sa kaba Mahal nga sabi kita-sigaw ng puso kung ikaw lang ang nais Dahil nagsusumamo sayo ang tunay na nasa isip ko

kausap ka-ngunit nalilito sa bawat tanong Sa bawat salita na maaaring bigkasin ng aking labi Oh bakit di mo madama itong aking pagsinta Dalangin ko sa dyos puso ko ay pakinggan mo Isang hiling na katangi tangi sa akng pandinig

Ngunit bakit sa paglipas ng araw ikay nagbago na Di mo na pansin ang dati kong tawa at ngiti Di naba kita muli pang napapasaya Ano itong aking nadarama bakit parang naglalaho na Pero hindi ko parin hinayaan na ito ay mangyari

Isang salita at ilang letra sa alpabeto Ang nais kong aminin saiyo ng dire diretso Pero sana ako muna ay pakinggan mo Sapagkat eto na naman ako ay natotorete sayo Isang tanong isang sagot mahal kita mahal mo ba ako?

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
www.e-referrer.com